Pangulong Duterte at PDEA, ipinagtanggol si Michael Yang sa pagkakaugnay nito sa iligal na droga

Itinanggi nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakadawit sa iligal na droga ng dating presidential adviser na si Michael Yang.

Sa talk to the nation address na inere kaninang umaga, sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na wala si Yang sa kahit anumang mga dokumento kaugnay sa anti-drug operation na isinagawa sa Davao City noong 2004.

Taliwas ito sa mga nabanggit noong 2019 ng dating Officer-in-Charge ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group na si dating Senior Supt. Eduardo Acierto.


Inakusahan kasi ni Acierto si Yang at ang isang ‘Allan Lim’ na nasa likod ng shabu laboratory na nadiskubre noong 2004 sa Davao City.

Samantala, ayon kay Pangulong Duterte, kilala si Acierto bilang kidnapper at mamamatay tao kung kaya’t hindi dapat ito pinakinggan ng Senado bilang witness.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Yang sa Senate Blue Ribbon Committee na may kilala siyang Lin Wei Xiong pero hindi niya tiyak kung ito ang Lin Wei Xiong alyas ‘Allan Lim’ na iniuugnay sa iligal na droga.

Facebook Comments