World – Bumuhos ang pagbati mula sa iba’t ibang mga lidersa buong mundo kay Emmanuel Macron matapos ang kanyang pagkapanalo bilangpangulo ng France.
Sinabi ni US President Donald Trump na sabik na itongmakatrabaho si Macron habang inihayag naman ni German Chancellor Angela Merkel naang naturang panalo ay nagpapakita ng matatag at United Europe.
Umaasa naman si UK Prime Minister Theresa may na magigingmaganda ang samahan nila ng France.
Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpaabot na rinng pagbati kay Macron kung saan umaasa ito na patuloy ang matatag na relasyonng France at Pilipinas
Nakakuha ng 65.5 percent na boto si Macron kumpara sakatunggali nitong si Marine Le Pen na may nakuhang 34.5 percent na boto saisinagawang presidential election.
Ang 39-anyos na centris party candidate ay magigingpinakabatang pangulo ng bansa at kauna-unahang pangulo sa labas ng tradisyunalmain parties mula sa modern republic’s foundation noong 1958.
Photograph: Eric Feferberg/AFP/Getty Images
Pangulong Duterte at world leaders – nagpaabot ng pagbati sa pagkapanalo ng bagong presidente ng France
Facebook Comments