Manila, Philippines – Matapos ang isang linggo sa Davao City ay balik na sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan na ilan lamang sa mga naging aktibidad ng Pangulo noong nakaraang linggo ay ang pagpunta nito sa Marawi City.
Ngayong araw naman ay tatalong aktibidad ang pangungunahan ng Pangulo sa Malacañang.
Unang aktibidad ng Pangulo ay magsisimula 3:00 ng hapon para sa donning of rank para kay Brigadier General Oliver Artuz, susundan ito ng panunumpa ng mga bagong opisyal ng Philippine Olympic Committee.
Huling aktibidad naman ngayon ng Pangulo ay ang pangunguna nito sa 23rd cabinet meeting.
Inaasahan namang tatalakayin sa nasabing Pulong ang problema ng Boracay, kinakaharap na problema ng National Food Authority dahil sa supply ng bigas, isa din sa posibleng pagusapan ay ang issue ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East matapos ang babala ni Pangulong Duterte na magpapatupad din ng deployment ban sa iba pang Middle Eastern Country bukod pa sa Kuwait.