Pangulong Duterte bibisita sa mga nasawing sundalo sa Eastern Samar

679

Dadalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong nasugatan at nasawi sa pinakahuling engkwentro ng militar sa new people’s army sa Eastern Samar.

 

Matatandaan na nitong Lunes, nakaengkwentro ng mga tropa ng 14th infantry battalion ang NPA kung saan 6 na sundalo ang nasawi at 20 naman ang nasugatan.


 

Dahil dito, ayon sa palasyo, postponed muna ang una nang nakatakdang pakikipagkita ni Pangulong Duterte sa mga magsasaka sa North Cotabato sa Biyernes.

 

Pagtitiyak naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na-reschedule lamang ang pulong ng pangulo kasama ang mga magsasaka at matutuloy pa rin ito.

Facebook Comments

From Advertisers