Pangulong Duterte, bibisitahin ang mga lugar na dinaanan ng Bagyong Odette

Nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na binayo ng Bagyong Odette.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang personal na kamustahin ang mga tao at alamin ang overall situation sa Leyte at Surigao.

Aniya, kung may oras pa siya ay posibleng dumaan rin siya sa Bohol at sa Cebu sa araw ng Linggo.


Sinabi rin ng pangulo na nakikipag-ugnayan na rin siya sa Department of Budget and Management (DBM) para maghanap ng pondo sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Lumiit kasi aniya ang calamity fund ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Tiniyak naman ng pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang pangangailangan ng mga taong naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments