COVID-19 vaccines sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette, ligtas – Galvez

30

Tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na walang nakompromisong mga COVID-19 vaccine sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Galvez, base ito sa huli nilang pakikipag-ugnayan sa mga rehiyon na dinaanan ng bagyo.

Aniya, sa kanyang pakikipag-usap kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may binuo nang task force ang Department of Energy (DOE) para tugunan ang power supply sa mga cold storage facility ng mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.


Paliwanag pa ni Galvez, nakiusap siya kay Cusi na unahing ibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhang lugar dahil karamihan sa mga major warehouse ay nasa mga siyudad.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang National Vaccination Operations Center (NVOC) sa iba’t ibang regional logistics team para matiyak na ma-account ang mga bakuna at ligtas pa ring magamit.

Facebook Comments