Pangulong Duterte binalasa ang mga opisyal ng MWSS

90

Inilabas na ng Malacanang ang appointment letter ni Retired Army General Ricardo Morales na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng board of trustees’ ng MWSS.

 

Si Morales ang uupo sa puwesto ni dating MWSS Vice Chairman at Administrator Reynaldo Velasco at si Velasco naman ay tatayong Chairman ng MWSS kapalit ni dating Chairman Franklin Demonteverde.


 

Ibinunyag din ni Velasco na ililipat sa Judicial and Bar Council o JBC si Demonteverde pero wala pa namang impormasyon na inilalabas ang Malacanang ukol dito.

 

Ang balasahan sa MWSS ay dahil sa naging problema sa supply ng tubig sa Metro Manila.

Facebook Comments

From Advertisers