Pangulong Duterte, hinimok ang mga nurse na pumasok sa PNP

197

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurse na pumasok sa Philippine National Police (PNP).


Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na malaki ang sahod na matatanggap ng mga nurse kapag pumasok sila sa Police Force.

Nararapat lamang aniya na magbigyan ng tamang kompensasyon ang mga medical professional.

Nabatid na nag-isyu ang Department of Budget and Management (DBM) ng Budget Circular 2020-4, kung saan ina-angat ang entry-level salaries ng government nurses mula Salary Grades 11 patungong 15.

Facebook Comments