Pangulong Duterte, Binigyang Parangal ang Namayapang Hepe ng PNP Mallig, Isabela!

175

Ilagan City, Isabela- Pinarangalan ni Pangulong Duterte ng Medalya ng Kalasag ang namayapang si Police Chief Inspector Michael Angelo Tubaṅa sa kanyang personal na pagbisita dito sa lalawigan ng Isabela sa burol ng hepe upang makiramay at mabigyan ng pagpupugay.

Sa pakikiramay ng Pangulo sa burol ng hepe ay kanyang sinaluduhan at pinuri ang namayapang opisyal ng kapulisan dahil sa pagbubuwis nito ng kanyang buhay laban sa iligal na droga.


Samantala, patuloy pa rin na ipinag-uutos ni Pangulong Duterte sa mga kapulisan na paigtingin pa ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga, pagsugpo sa krimen at corruption upang mapanatili ang kaayusan dito sa ating bansa.

Facebook Comments