Police Regional Director Espino, Hinangaan ang Katapangan ng Napaslang na Hepe ng PNP Mallig!

72

Cauayan City, Isabela- Hinangaan ni Police Regional Director PCSUPT Jose Mario M. Espino ang ipinakitang katapangan ni Police Senior Inspector Michael Angelo Tubaṅa na nagbuwis buhay upang tumulong sa pagsupil sa iligal na droga dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Regional Director Espino, kanyang sinabi na isa umanong inspirasyon sa kapulisan ang pagkamatay ni PCI Tubaṅa kaya’t mas lalo pa umano nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.


Tuloy-tuloy rin umano ang kanilang pagkilos sa Oplan Tambay kung saan ay inatasan na nito ang lahat ng kapulisan na makipag-ugnayan sa lahat ng mga Brgy. Officials upang makipagtulungan sa pagpapatupad sa Oplan Tambay upang mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan.

Malaki rin umano ang pasasalamat ng pamilya ni PCI Tubaṅa dahil sa pagbuhos ng suporta at pakikiramay ng publiko at lalo na sa personal na pagbisita nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Facebook Comments

From Advertisers