Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa susunod na linggo.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Cleofe Natividad, siksik ang Schedule ni Pangulong Duterte sa nasabing bansa kung saan makakapulong ni Pangulong Duterte si Russian President Vladimir Putin at Prime Minister nito na si Dmitry Medvedev.
Sinabi ni Natividad sa briefing sa Malacañang, isang landmark visit na maituturing ang biyahe ng Pangulo sa Russia sa imbitasyon ni Putin na gagawin simula May 22-26, 2017.
Magkakaroon aniya ng Bilateral meeting ang dalawang pinuno kung saan paguusapan ang pagpapalakas pa ng relasyon ng dalawang bansa.
Magkakaroon din ng mga kasunduan ang dalawa tulad ng Military Defense Agreement at haharap din naman si Pangulog Duterte sa Filipino Community sa Moscow.
Samantala aabot naman sa 17 Pilipino na nakakulong sa Russia ang pinakawalan sa Russian government matapos lumabas sa ginawang imbestigasyon na sila ay biktima lamang ng illegal recruitment.
DZXL558, Deo de Guzman
Pangulong Duterte, biyaheng Russia sa susunod na linggo
Facebook Comments