MALAYSIA – Tumulak na si Pangulong Rodrigon Duterte sa Thailand at para sa kanyang official visit sa Malaysia.Sa kanyang departure statement sa NAIA, sinabi ng Pangulo na isa sa pagtutuunan nila ng pansin ang usapin ng Maritime Security para matiyak na hindi magagamit ng mga terorista sa iligal na gawain ang ating karagatan.Hihingi rin aniya ito ng tulong kaugnay sa kampanya ng gobyerno sa droga at ang isinusulong na independent foreign policy.Kasabay nito, binigyan diin ni Duterte na mahalaga ang papel ng Malaysia sa peace talks lalo na sa Mindanao.Pero, inihayag ng Pangulo na hindi niya bubuksan ang usapin sa Sabah claims ng Pilipinas.Bago tumulak ng Malaysia, si Duterte ay unang tutungo sa Thailand upang personal na magpa-abot ng pakikiramay sa pamilya ng namayapang hari na si King Bhumibol Adulyadej.
Pangulong Duterte, Biyaheng Thailand At Malaysia Na – Maritime Security, Tututukan Sa State Visit Sa Malaysia
Facebook Comments