Pangulong Duterte, Pinahahanda Na Kay Bongbong Marcos Ang Pagpapalibing Kay Dating Pangulong Marcos

2

MANILA – Pinahahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sen. Bongbong Marcos ang proseso ng pagpapalibing sa ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.Bago tumulak papuntang Thailand, sinabi ni Pangulong Duterte na bilang isang Abogado, susunod lamang siya sa kung ano ang sinasabi ng batas.Pagdating sa mga sinasabing kasalanan ng dating Pangulong Marcos, sinabi ng Pangulo na hindi pa naman napapatunayan sa anumang Hukuman na may kasalanan ang dating Pangulo kaugnay sa mga biktima ng Martial Law.

Facebook Comments