Pangulong Duterte, bukas na makipagdayalogo sa health frontliners

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng dayalogo sa health frontliners na rumeresponde ngayong pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinikilala ni Pangulong Duterte ang lahat ng hirap at sakripisyo ng mga health workers.

Nakipag-usap na ang Pangulo sa ilang medical professionals para alamin ang kanilang sitwasyon.


Malaki ang utang na loob ng bansa sa mga health workers na nag-aalaga sa mga taong dinapuan ng virus.

Nagpapasalamat aniya ang pamahalaan sa mga kontribusyon ng mga health frontliners sa laban ng bansa sa pandemya.

Sinabi naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na maglalaan ang pamahalaan ng 200 hotel rooms para sa mga health workers na dinapuan ng COVID-19.

Sa ilalim ng Bayanihan law, ang mga benepisyong ipagkakaloob sa mga health workers ay ang compensation para sa mga magkakasakit, personal protective equipment, libreng accommodation.

Facebook Comments