Pangulong Duterte, bukas sa joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at China

Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint military exercises sa China hindi lang sa South China Sea kundi maging sa Sulu sea.

Pahayag ito ng Pangulo kasabay ng pagbisita sa Chinese warship na dumaong sa Sasa Port, Davao City kahapon.

Ayon kay Duterte, bahagi ng confidence building ang naging pagdaong ng Chinese warship na simbolo ng pagkakaibigang gustong buuin ng Pilipinas at China.


Itinanggi naman ng pangulo na nag-offer ng military aid ang China sa Philippine forces.

Kahit walang barko ang Pilipinas gaya ng sa China, nangako naman ang pamahalaan na pagagandahin na nito ang mga istruktura at pasilidad ng pilipinas sa West Philippine Sea.

Pero ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua – iligal ang gagawing hakbang ng bansa.

DZXL558

Facebook Comments