Limang persons of interest, pinaghahanap na ng otoridad kaugnay ng Quiapo Blast

Manila, Philippines – Limang persons of interest ang hinahanap ngayon ng Manila Police District kaugnay ng pagsabog sa Quiapo, Maynila na ikinasugat ng 14 na katao.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, hindi kagagawan ng ISIS ang pagsabog taliwas sa pag-ako ng terrorist group.

Dagdag ni Albayalde, ugali na ng grupo na umako ng mga ganitong insidente para mapansin sila.


Nanindigan din ang opisyal na gang war ang itinuturong anggulo ng mga ibedensyang nakalap nila sa imbestigasyon.

DZXL558

Facebook Comments