Manila, Philippines – Binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Order of Lapu-Lapu na kikilala sa mga indibidwal, pribado man o nasa gobyerno na nakapagambag ng malaki sa kampanya ng pamahalaan kontra sa katiwalian, paglaban sa operasyon ng iligal na droga, iligal na sugal at pangangalaga sa kalikasan.
Base sa nilagdaang Executive Order number 17 ni Pangulong Duterte ay gagawaran ng parangal ang mga personalidad ng tatlong magkakaibang klase ng medalya na kikilala sa kanilang kontribusyon.
Ibibigay ang Lapu-Lapu medal sa mga probadong indibidwal at mga nasa gobyerno na nagkaroon ng kontribusyon sa mga adhikain at kampanya ng administrasyon.
Kalasag medal naman ang ibibigay sa mga nagbuwis ng buhay habang itinataguyod ang krusada ng gobyerno laban sa katiwalian, iligal na droga at iligal na sugal pati narin ang pangangalaga sa kalikasan.
Kampilan medal naman ang ipagkakaloob sa mga nasugatan sa pagsusulong ng mga adhikain ng pamahalaan.
Samantala, nilagdaan din ni Pangulong Duterte ang Executive order number 18 na nagsasaayos ng procurement process ng Armed forces of the Philippines ng kanilang mga kagamitan.