PNP, may lead na sa lugar na pwedeng pagtaguan ng nakatakas na Korean-American na nahulihan ng ecstasy sa Pasay City

34

Manila, Philippines – May lead na ang tracker team ng PNP na tumutugis sa nakatakas na Korean-American na nahulihan ng ecstasy kamakailan sa Pasay City.

Ayon kay PDEG spokesman p/Supt. Enrico Rigor – may lead na sila sa mga lugar na pwedeng pagtaguan ng suspek na si Jun No alyas ‘Jazz’.

Aniya, posibleng hindi pa nakalalayo ang suspek dahil sariwa pa ang sugat nito sa tiyan kaya hirap pa itong makalakad.

Kinasuhan naman na ang dalawang pulis na bantay ni Jun No sa ospital dahil sa kapabayaan ng mga ito.

Facebook Comments