Pangulong Duterte, buo pa rin ang tiwala kay DOH Sec. Francisco Duque III; Palasyo, naniniwalang sapat na ang pagsibak sa mga opisyal na sangkot sa anomalya sa PhilHealth upang maibalik ang tiwala ng taong-bayan

Binigyan diin ngayong ng Malacañang na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay kahit na inirekomenda na ng Senado na sampahan ng kasong malversation of public funds si Duque dahil sa korapsyon sa PhilHealth.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat iginagalang ang report ng Senado, hinihintay pa muna ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng binuong task force ng Department of Justice na ilalabas sa September 14, 2020.


Naniniwala rin ang palasyo na sapat na ang ginawang pagsibak ni Pangulong Duterte sa mga tiwaling opisyal ng PhilHealth para makuhang muli ang tiwala ng taong-bayan.

Una rito, tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni dating PhilHealth President Ricardo Morales habang inatasan din si bagong PhilHealth President Dante Gierran na balasahin ang mga regional vice president.

Samantala, itinanggi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon ang pahayag ni Sen. Leila De Lima na isang “cover-up at damage control” para kay Duterte at sa mga tauhan nito sa PhilHealth ang inilabas na report ng Senado.

Ayon kay Gordon, “bitter” lang si De Lima kaya hahayaan na lang nila ito sa kanyang mga pahayag.

Facebook Comments