Pangulong Duterte, may tatlong marching order kay incoming PNP Chief Camilo Cascolan

Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na malaki ang inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay bagong talagang PNP Chief Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Ayon kay Roque, may tatlong marching order ni Pangulong Duterte kay Cascolan kung saan pangunahin rito ay ang panatilihin at manindigan sa integridad ng Rule of Law.

Pangalawa aniya ay gustong makita ng Pangulo ay malinis ni Cascolan sa katiwalian ang hanay ng pambansang pulisya.


Sinabi ni Roque na ito ang dahilan kung bakit dinoble na ng Commander-in-chief ang sweldo ng mga pulis, para maiwasang mahulog pa sa patibong ng pera ang mga ito.

Ikatlo sa gustong makita ni Pangulong Duterte na pag-iigihin ni Gen. Cascolan ay ang pagpapatuloy ng drug war nito.

Hanggang sa kasalukuyan, talamak pa rin ang operasyon ng iligal na droga at mismong si Pangulong Duterte na rin ang nagsabi na dagsa pa rin ang pasok sa bansa ng iligal na droga kaya nasabon nito kamakailan ang Bureau of Customs.

Facebook Comments