Cauayan City, Isabela – Nakatakdang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte ngayon araw dito sa lalawigan ng Isabela upang personal na makiramay sa pamilya ng napatay na hepe ng PNP Mallig Isabela.
Sa paunang impormasyon ng RMN Cauayan, maliban sa pagbisita sa burol ng opisyal ng PNP ay nakatakda ring bisitahin ang pitong mga sundalo ng 86th Infantry Battalion na nasugatan sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng NPA at tropa ng kasundaluhan sa bayan ng Echague nitong unang lingo ng buwang kasalukuyan.
Una ng dumalaw sa burol ni PCI Michael Angelo Tubaña si PNP Chief Oscar Albayalde at binigyan ng Posthumous Promotion ang napatay na hepe sa nangyaring Drug Buy Bust Operation noong linggo ng gabi.
Sa ngayon ay mahigpit na seguridad ang inilatag ng mga Presidential Security Group sa lugar kung saan ay dadalaw si pangulong Duterte.
Ang labi ng napaslang na hepe ay kasalukuyang nakalagak ngayon sa Isabela Police Provincial Office kung saan siya ay nakatakdang bibigyan ng parangal ng Pangulong Duterte.