MANILA – Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Surigao City, na tinamaan ng 6.7 magnitude na lindol noong Biyernes ng gabi (February 10).Ito ay para personal na makita ang pinsala ng malakas na lindol.Kasama ng Pangulo ang ilan sa kanyang Gabinete para mag-assess sa sitwasyon.Sa kanyang talumpati, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulang ahensya na madaliin ang pagrehabilitate sa mga gumuhong imprastruktura.Nangako naman si Pangulong Duterte sa mga mamamayan ng surigao na magbubuhos siya ng pondo doon bilang pantulong sa muli nilang pagbangon.Kasabay nito nagbabala si Pangulong Duterte na ipapasara ang mga iresponsableng minahan sa Surigao.Ibinigay ng Pangulo ang kanyang talumpati sa dayalektong bisaya.
Facebook Comments