Pangulong Duterte, dinepensahan ang paghihigpit sa mga hindi bakunado kontra COVID-19

Muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihigpit sa mga hindi bakunado ngayong mataas nanaman ang mga kaso ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong transportasyon at ang utos sa mga barangay captain na kunin ang pangalan ng mga residenteng hindi pa bakunado.

Sa kaniyang talk to the people kagabi, sinabi ng Pangulo na tungkulin ng gobyerno na protektahan ang mas nakararami lalo na kapag may public emergency.


Facebook Comments