COVID-19 vaccination sa mga pharmacy at private sector, sisimulan na ngayong Biyernes

Magsisimula na ngayong Biyernes, Enero 21 ang pagtulong ng mga malalaking pharmacy at pribadong sektor sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., bahagi ito ng paghahanda para sa commercialization ng mga bakuna sa hinaharap.

Samantala, umabot na sa 55,195,486 Pilipino ang fully vaccinated kontra COVID-19 batay sa national COVID-19 vaccination dashboard.


Kasunod nito, tiwala rin si Galvez na maaabot natin ang target na 90 million na fully vaccinated bago matapos ang ikalawang quarter ng 2022.

Facebook Comments