Pangulong Duterte, dismayado na sa sitwasyon ng national budget; Malacañang, umaasa parin maipapasa ito

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagkakabinbin ng 2019 National Budget sa Kongreso.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi na nagugustuhan ni Pangulong Duterte ang tila hindi pagbibigay ng kahalagahan ng mga mambabatas sa 2019 budget.

Paliwanag ni Medialdea, sakaling hindi maipasa ang budget ay ito ang magiging dahilan ng pagkakaantala ng mga infrastructure projects ng Pamahalaan na isa sa mga prayodidad ni Administrasyong Duterte.


Pero sa kabila nito ay umaasa parin naman si Medialdea na gagawin ng mga mambabatas ang kanilang trabaho na ipasa ang budget dahil tinupad naman ni Pangulong Duterte kasama ng kanyang mga Economic Team ang kanilang mandato na magbigay ng budget proposal sa Kongreso.
Sa ngayon naman aniya ay walang balak si Pangulong Duterte na brasuhin ang mga mambabatas para maipasa ang budget dahil iginagalang ng Pangulo ang independence ng Kamara.
matatandaan na nagbbreak ang session ng Kongreso sa darating na February 6 hanggang sa May 20.

Facebook Comments