Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) na maging mapagkumbaba at gawin ang kanilang tungkulin nang maayos at sumusunod sa batas.
Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng pangulo na hindi dapat sila lumagpas sa batas at alamin ang kanilang obligasyon sa taumbayan.
Nagbabala rin ang pangulo na huwag gayahin ang ilang mga tiwaling pulis na sumisira sa imahe ng organisasyon.
Umaasa rin ang Pangulong Duterte na gagawin ng PNP ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan sa nalalapit na May 9 elections.
Nasa 229 graduates ng PNPA “Alab-Kalis” Class of 2022 ang nagtapos kahapon kung saan 207 dito ang papasok bilang lieutenants sa pambansang pulisya.
Habang tig 11 naman sa Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology.