Pangulong Duterte, dumating na sa bansa matapos ang kanyang pagdalo sa APEC leader’s meeting sa Vietnam

Manila, Philippines – Nasa bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa katatapos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Vietnam.

Kaninang madaling araw nang lumapag ang Philippine Airlines flight PR001 sa ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ang pangulo.

Sa kanyang arrival speech, nangako ang pangulo na ipatutupad niya ang makataong pamamaraan tungo sa kaunlaran at pamumuno.


Tiniyak din ng pangulo na mararamdaman ng bawat pilipino ang inclusive growth.

Sinabi rin ng pangulo na nagkaroon siya ng makabuluhang pagpupulong kay Russian President Vladimir Putin.

Nagpasamalat din ang pangulo kay Chinese President Xi Jinping dahil sa ibinigay nilang tulong noong Marawi crisis.

Tiniyak ng pangulo na nakatuon ang gobyerno sa paglaban sa terorismo, droga at korapsyon.

Facebook Comments