Pangulong Duterte, Dumating Na Sa Indonesia Para Sa Kanyang Kauna-Unahang State Visit

14

INDONESIA – Nasa Indonesia na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang state visit, matapos ito ng ilang araw na pagdalo sa ASEAN Summit sa Vientiane, Laos.Sisimulan ng pangulo ang kanyang araw sa pakikipagkita sa mga Filipino community mamayang alas-11:30 ng umaga.Susundan ito ng wreath laying ceremony sa Heroes’ Cemetery na itinakda ng alas-2:15 ng hapon sa South Jakarta.Mag-iikot din sina Indonesian President Joko Widodo si Duterte sa Tanah Abang sa Central Jakarta, na itinuturing na Southeast Asia’s Largest Textile Market.Mamayang alas-3:00 ng hapon pormal na tatangapin ni Widodo si Duterte sa State Palace.Magkakaroon ng pulong ang dalawang lider at pag-uusapan ang ilang mahalagang isyuKabilang na ang usapin sa terorismo, Abu Sayyaf, kampanya laban sa droga, pagkakakulong kay Mary Jane Veloso at iba pa.Pagsapit ng alas-7:00 ng gabi ay bibigyan ang pangulo ng state banquet.Habang alas-9:00 na ng gabi ang alis ng Chief Executive sa Jakarta at lalapag sa Davao City bago maghatinggabi.

Facebook Comments