Pangulong Duterte, ginawa lang ang nararapat hinggil sa issue ng KAPA ayon kay Gensan City Mayor Rivera

Sa General Santos, ginawa lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nararapat hinggil sa issue ng KAPA, ito ang inihayag ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera matapos ipinag-utos ng pangulo na  ipasara ang nasabing investment scheme.

Ayon kay Mayor Rivera na ayaw lang ng pangulo na magsisisi sa huli ang mga naglagak ng malaking pera sa kapa at madadagdagan pa ang bilang ng mabibiktima ng scam sa bansa.

Samantala nilinaw nito na hindi sya nagkulang sa pagbigay ng paalala sa mga mamamayan ng Gensan na iwasang pumasok o maginvest sa mga ganitong klaseng scheme dahil baka matulad sa ibang investment scheme na naging scam sa huli.


Matatandaan kasabay ng pagpunta ni Pangulong Duterte sa Gensan kahapon iginiit nito na hindi nya papayagang magpatuloy ang mga Ponse Scheme na nag-ooperate sa bansa kasama na dito ang kapa.

Facebook Comments