Pangulong Duterte, handa nang isapubliko ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine

Handa na si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang pagbabakuna para makatulong na mapataas ang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagbago ang isip ng Pangulo at pumayag ng isapubliko ang pagpapabakuna kasunod na rin ng panawagan ng publiko.

Aniya, iaanunsiyo na lang mismo ni Pangulong Duterte kung kailan siya magpapabakuna.


Maliban dito, sinabi pa ni Roque na nasa priority list din ang Pangulo bilang senior citizen.

Hindi naman masabi ni Roque kung kasama sa priority list si Vice Presidente Leni Robredo na una nang nagboluntaryo na mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Aniya, maging ang ilang local chief executives ay nagboboluntaryong magpabakuna para tumulong na makumbinsi ang taumbayan na huwag matakot na magpabakuna.

Gayunman, ang Department of Health (DOH) na aniya ang magpapasya nito.

Facebook Comments