Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na sagutin ang gastusin sa ospital ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19, lalo na ang mga na-stranded sa gitna ng pandemya.
Sa televised address, sinabi ng Pangulo na walang problema sa kanya ang paggastos sa pagpapa-ospital ng mga ordinaryong Pilipino.
Hinimok ng Pangulo ang mga local government official na ipadala sa kanya ang hospital bills.
Umapela rin ang Pangulo sa mga lokal na opsiyal na huwag tanggihan ang mga nangangailangan ng tulong.
Dapat aniyang i-‘expedite’ ang hospitalization ng mga ito hanggang sila ay gumaling sa sakit.
Ang mga local official ay maaaring pumirma ng anumang dokumento at kanyang sasagutin ang pagpapa-ospital sa mga Pilipinong nangangailangan.
Sa ngayon, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay sinasagot ang COVID-19 test kung saan ang packages ay nagkakahalaga ng ₱2,710, ₱5,450, at ₱8,150.