Pangulong Duterte, hands-off sa ABS-CBN franchise – Panelo

154

Mananatiling nakadistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng muling pagbuhay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi manghihimasok ang Pangulo sa mga gagawin ng Kongreso.


Kinikilala aniya ng Pangulo na ang anumang panukalang batas o prangkisa ay manggagaling muna sa Kamara.

Iginiit din ni Panelo na hindi nangialam ang Pangulo sa franchise renewal ng ABS-CBN noong nakaraang taon.

Matatandaang naghain si Senate Presidente Vicente Sotto III ng Senate Bill no. 1967 na layong bigyan ang ABS-CBN ng 25 year legislative franchise, habang may mga isinusulong ding counterpart bills sa Kamara sa pamamagitan ni Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Facebook Comments