Pangulong Duterte, hindi dapat maging kampante sa mataas na ratings

Manila, Philippines – Nagbabala si Magdalo Rep. Gary Alejanona hindi dapat maging kampante ang pangulo sa kabila ng mataas na ratings parin nito.
  Ayon kay Alejano hindi dapat maging kampante dahil bumabana ang perception sa kanya ng mga tao lalo na ng mahihirap na siyang apektadong giyera kontra droga.
  Naka-apekto rin anya ang foreign policy ni Duterte nanaglagay sa Pilipinas sa masamang imahe.
  Paalala pa ng kongresista, marami pang problema ang hindinasosolusyunan ng administrasyon gaya ng traffic at endo na ipinangako ngpresidente noong kampanya.
  Sa Pulse Asia survey na isinagawa mula march 15 hanggang20, bumaba ng 5 porsiyento ang performance ratings ng pangulo sa 78 percentmula 83 percent noong Disyembre.
  Pitong porsiyento naman ang ibinaba ng trust ratings nitona ngayo’y nasa 76 percent mula 83 percent.
  

Facebook Comments