Pangulong Rodrigo Duterte, biyaheng Middle East sa susunod na Linggo

64

Manila, Philippines – Biyaheng Middle East si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Linggo.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Hjayceelyn Quintana na bibisita ang Pangulo sa Saudi Arabia, Bahrain At Qatar mula April 10 hanggang 16.

Ayon kay Quintana – makikipagpulong si Pangulong Duterte sa mga lider ng tatlong nasabing bansa upang maiparating ang concerns ng mga OFW o Overseas Filipino Workers.

Inaasahan din aniyang makikipagkita ang Pangulo sa Filipino communities doon.
Nation”

Facebook Comments