Pangulong Duterte, hindi ginawang batas ang anti-palo bill

Manila, Philippines – Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagbabawal sa corporal punishment ng mga magulang sa mga bata.

Ito ay matapos i-veto ni Pangulong Duterte ang Senate Bill number 1477 at house bill number 8239 o an act promoting positive and non violent discipline protecting children from Physical Humiliating or degrading acts as a form of punishment.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, mas gusto ni Pangulong Duterte na mabigyan ng kapangyarihan at kalayaan ang mga magulang sa kung paano nila gustong disiplinahin ang kanilang nga anak sa paraang hindi malalabag ang karapatan ng mga ito at hindi maaabuso.


Sa Veto Message naman ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na kahit makalumang paraan na ang pamamalo sa mga bata para disiplinahin ang mga ito ay kailangan paring mabalanse ang pagbibigay ng proteksyon sa mga ito laban sa mga maling gawain at ang karapatan ng mga magulang.

Binigyang diin ng Pangulo sa kanyang Veto Message na sapat na ang Family Code of the Philippines at republic act number number 7610 o anti child abuse act of 1992 at Presidential Decree number 603 or Child ans youth welfare code at iba pa.

Facebook Comments