Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagharap sa International Criminal Court (ICC) para sa ipaliwanag ang umano’y paglabag ng administrasyon sa karapatang-pantao hinggil sa laban kontra iligal na droga.
Sa Talk to the People ng Pangulo kagabi, sinabi nito na kahit bawian pa siya ng buhay ay hindi siya haharap sa ICC.
Pinagpaliwanag naman ng Pangulo ang ICC kung bakit ang mga nasawi lamang sa War on Drugs ang kinukwestiyon at hindi ang ibang isyu.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte noong 2018 na bawiin ang membership ng Pilipinas sa Rome Statute dahil sa paglabag sa due process.
Batay sa Supreme Court ruling, obligado pa rin ang Pilipinas na makipagtulungan sa prosesong isinasagawa ng ICC sa kabila ng withdrawal nito mula sa treaty na siyang nagtatag sa Hague-based tribunal.