Hindi ipauubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangasiwa sa bansa habang sya ay nagpapahinga kay VP Leni Robredo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo abala kasi ang pangalawang pangulo sa kanyang bagong trabaho bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.
Bagkus sinabi ni Panelo na itatalaga ni Pang. Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang OIC o care taker ng bansa habang ito ay magpapahinga simula bukas.
3 araw na magpapahinga ang pangulo sa Davao City base narin sa rekumendasyon ng kanyang duktor at mga kaibigan.
Kasunod nito binigyang diin ni Panelo na wala namang pangangailangan para suma ilalim sa anumang medical examination si Duterte dahil ang kailangan lang nito ay sapat pahinga at 8 oras na tulog.
Hindi na rin aniya kailangan pang magbilin o magbigay ng direktiba ang pangulo sa gabinete dahil alam naman na nila ang kanilang gagawin.