Manila, Philippines – Hindi ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President Joko Widodo na pag-usapan ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang OFW na nakapila sa death penalty sa Indonesia.
Magkakaroon kasi ng bilateral Meeting si Pangulong Duterte at President Widodo bilang bahagi ng State Visit ni Widodo sa bansa na sisimula mamayang hapon.
Ayon kay Pangulong Duterte, itatanong niya kay President Widodo kung maaari niyang pagusapan ang kaso ni Mary Jane pero kung tumanggi aniya ang Pangulo ng Indonesia ay hindi niya ito ipipilit.
Matatandaan na noong nakaraang araw ay dumulog sa Malacanang ang ina ni Mary Jane na si ginang Celia Veloso kasama ng Grupo ng Migrante kung saan tiniyak sa kanila ng Malacanang na gagawan ito ng Paraan at susubukang idulog sa Indonesia.