Manila, Philippines – Walang nakikita ang Palasyo ng Malacanang na pangangailangan na bumuo ng isang special fact finding team para magsagawa ng imbestigasyon sa pagpatay ng ilang miyembro ng Caloocan PNP sa binatang si Kian Delos Santos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinusundan naman ni Pangulong Duterte ang itinatakbo ang imbestigasyon sa kaso kaya hinahayaan nalang ito ng Pangulo.
Paliwanag ni Abella, kailangang pagkatiwalaan ang mga prosesong ginagawa sa imbestigasyon at tiyak naman aniyang lalabas din ang katotohanan sa insidente.
Pero sa bandang huli naman aniya ay si Pangulong Duterte pa rin ang magdedesisyon kung bubuo ito ng isang investigating body o ipauubaya nalang ang imbestigasyon sa PNP, NBI at iba pang ahensiya ng gobyerno na nag-iimbestiga sa kaso.