Pangulong Duterte, hindi magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto hangga’t hindi natatapos ang kanyang buong termino.
Ito’y sa kabila ng mga planong ibagsak ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng mga akusasyon ng mga kalaban sa pulitika.
Ayon sa Pangulo, kahit napapagod siya dahil sa dami ng trabaho, mayroon siyang sinumpaang kasunduan sa taumbayan at hindi niya ito sisirain.
Dagdag pa ng pangulo na minsan ay ina­abot siya ng madaling-araw sa pag-review at pagpirma ng mga dokumento at napupuyat din pero kailangan aniyang tapusin ang trabaho.

Facebook Comments