Dalawang opisyal ng Malacañang, sinibak ng pangulo

Manila, Philippines – Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sinibak siyang dalawang opisyal ng Malacañang.
Ayon sa Pangulo, ito’y dahil sa pagyayabang umano na malakas sila sa palasyo.
Hindi na niya ito pinangalanan dahil ikinunsidera niya ang kahihiyang posibleng idulot sa mga anak ng dalawang opisyal lalo pa at professional na ang mga ito.
Sinabi ni Pangulong Duterte na kinausap muna niya ang dalawang opisyal at pinagbitiw na lang sa puwesto matapos makarating sa kanya ang reklamong inaabuso ang kanilang impluwensiya.
Ang dalawang hindi pinangalanang opisyal ang bagong nadagdag sa listahan ng mga opisyal at appointees na sinibak ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Facebook Comments