Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Kalayaan sa Luneta.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mananatili sa Davao City ang Pangulo hanggang bukas.
Magiging kinatawan na lamang nito si Executive Secretary Salvador Medialdea para sa gaganaping Independence Day rites bukas sa Luneta.
I-eere din ang isang taped message ni Pangulong Duterte kasabay ng selebrasyon.
Paliwanag ni Roque, hanggang 10 indibidwal lamang ang pinapayagan ng Inter-Agency Task Force na makadalo sa flag-raising at wreath-laying ceremony bukas sa Luneta at kapag pinangunahan ito ng Pangulo ay paniguradong dadagsain ito ng publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal dahil sa COVID-19.
Facebook Comments