Pangulong Duterte, hindi makukudeta ayon kay Lorenzana

Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang mangyayaring kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ay ni Lorenzana ay kasunod ng nangyari sa Myanmar kung saan inaresto si State Counsellor Aung San Suu Kyi at iba pang lider politikal ng bansa.

Sa mga lumabas na ulat, sinasabing isinagawa ng militar ang kudeta dahil sa umano’y dayaan sa nakaraang halalan na nanalo ang partido ni Suu Kyi.


Ayon kay Lorenzana, hindi ito mangyayari sa Pilipinas.

Dagdag pa ng Kalihim, ang Myanmar ay pinamumunuan ng military junta.

Sabi pa ni Lorenzana na lubos ang suporta ng militar at pulisya kay Pangulong Duterte.

Mataas din ang natatanggap na approval at trust ratings ng Pangulo sa mga nakaraang surveys.

Facebook Comments