Matapos na pormal na i-endorso ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban Cusi wing si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang standard bearer ng partido, hindi naman malinaw pa sa ngayon kung sinusoportahan din si Marcos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD).
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar wala pang pahayag ang pangulo kung iniendorso niya ang kandidatura ni BBM.
Mas mainam aniyang hintayin na lamang ng publiko ang official statement ni PRRD.
Aniya, ang pag-endorso kay Marcos bilang pambato ng partido ay desisyon ng mga miyembro at opisyal ng PDP-Laban.
Matatandaang makailang beses nang sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang susuportahang kandidato sa pagkapangulo maliban na lamang kung may mabigat na rason o compelling reason at siya ay mananatili lamang neutral.