Pangulong Duterte, hindi muna tutungo sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, byahe nito patungong thailand, tuloy

Nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na wag nang bumisita pa sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

 

Ito ay para hindi na makaabala pa sa ginagawa nang pagresponde ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na mahigpit naman ang ginagawang monitoring ni Pangulong Duterte sa sitwasyon.


 

Kuntento din ang pangulo sa mabilis na pagtugon ng mga local government units at epektibong nagagampanan ang kanilang tungkulin

 

Dahil dito, tuloy ang pangulo sa kanyang biyahe sa Bangkok, Thailand bukas ng hapon para dumalo sa 35th ASEAN Summit and related summits.

Facebook Comments