Inihayag ng palasyo ng Malacañang na kontra na si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng medical marijuana sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng una nang naging pahayag ni Pangulong Duterte na dati ay gumamit siya ng medical marijuana dahil sa kayang iniindang karamdaman.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, naniniwala si Pangulong Duterte na baka samantalahin lang ng mga sindikato sakaling payagan ng pamahalaan ang medical marijuana.
Sinabi din ni Panelo na naniniwala si Pangulong Duterte na wala pang conclusive medical study na makakatulong talaga ang marijuana sa ilang karamdaman.
Inihayag din aniya ni Pangulong Duterte na hanggang siya ay nakaupo sa posisyon ay hindi niya susuportahan ang pagsasabatas ng marijuana.