Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tumutuligsa sa kanyang administrasyon na magsanib puwersa nalang para bumuo ng isang grupo.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa harap na rin ng mga kritisismo ng ibat-ibang grupo laban sa administrasyon lalo na sa war on illegal drugs.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na niya papatulan ang mga kritisismo na ibinabato sa kanyang administrasyon tulad ng issue na ibinabato nila Senador Antonio Trillanes, mga dilaw at mga pula o rebeldeng grupo.
Sinabi pa ng Pangulo na mas matutuwa pa siya kung magsanib puwersa nalang ang kanyang mga kritiko dahil iisa lang naman aniya ang idolohiya ng mga ito at para hindi na masyadong kalat ang mga ito at para mas madali silang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan.