Pangulong Duterte, hindi nakonsulta sa naging desisyon ng DND na ibasura ang 1989 UP-DND Accord

Nanindigan ang Palasyo na desisyon ng Department of National Defense (DND) ang terminasyon sa 1989 UP-DND Accord na nagbabawal sa pagpasok ng militar at pulis sa UP campuses ng walang notice mula sa pamunuan ng pamantasan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi nakonsulta hinggil dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero dahil alter ego nito si DND Secretary Delfin Lorenzana ay suportado ng Pangulo ang naturang abrogation ng kasunduan.


Una nang sinabi ng kalihim na ang hakbang na ito ay hindi maituturing na paglabag sa academic freedom ng mga mag-aaral ng UP.

Facebook Comments