Pangulong Duterte hindi pa alam kung makadadalo sa Pope’s Day

Manila, Philippines – Hindi pa alam ng Palasyo ng Malacañang kung makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Pope’s day Celebration na gaganapin bukas sa tahanan ng Papal Nuncio.

Sinabi kasi ni Commissioner Pastor Boy Saycon sa isang panayam na inimbitahan si Pangulong Duterte ni Papal Nuncio Gabriele Giordano Caccia para makiisa sa Pope’s Day bukas.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala pang ipinaabot na komunikasyon ang Presidential Management Staff o PMS patungkol sa imbitasyon kung makadadalo o hindi ang Pangulo.


Nabatid na ang PMS ang tanggapan sa ilalim ng Office of the President na siyang nag-aayos ng schedule ng Pangulo at iba pang aktibidad nito.

Sinabi ni Roque, hindi parin nagpapaabiso ang PMS kung magpapadala ang Pangulo ng kinatawan sa nasabing imbitasyon.

Facebook Comments