Pangulong Duterte, hindi pa tiyak kung maiaanunsyo ang panibagong quarantine classification ng bansa

Asahan na ang Talk to the People mamayang gabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi pa niya matiyak kung maiaanunsyo na ang bagong quarantine classification para sa buwan ng Hulyo.

Ngayong araw pa lamang kasi aniya pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga datos para sa sitwasyon ng COVID-19 at kung ano ang maaari nilang mairekomenda kay Pangulong Duterte.


Ibig sabihin, may pagkakataon pa aniyang umapela ang mga lokal na pamahalaan para sa final recommendation na isusumite kay Pangulong Duterte.

Kasunod nito, sinabi ni Roque na posibleng magkaroon pa ng ikalawang Talk to the People ang Pangulo ngayong linggo.

Giit ng kalihim, ayaw niyang pangunahan ang magiging rekomendasyon ng IATF, subalit sa tingin niya ay mahirap pang baguhin sa ngayon ang kasalukuyang quarantine classification sa NCR.

Sa kasalukuyan, sakop ang Metro Manila ng GCQ with some restrictions hanggang June 30 2021.

Facebook Comments